COTTON CANDY and STEEL

ANYTHING BUT ORDINARY.
a woman of composure and poise.
often misunderstood by people.

Animal Doctor.

ISKOLAR
Official UPLB- CVM Alumna
Proud 6-year VetSoc Member.
Yellow Blooded Symbiont.

God's little princess.
Dog Lover.

Visit my site: http://cottoncandyandsteel.blogspot.com/
Recent Tweets @ariesistibleme
Posts I Like
Who I Follow

Happy birthday kapatid! :)

I am very thankful that I met someone like you. :)
Thank you for supporting me and believing in all that I can do, for being a good friend and a great sis, and most especially, for being YOU. :)

We may not be sisters by blood but our friendship has gone a long way and our sisterhood has proven so many things.

XOXO.

Dahil BITTER pa rin ako sa pagkatalo ko sa isang contest na sinalihan ko (na sabi ng boyfriend ko eh sumali ako. HAHAHAHA. At baka manalo..) at ang nanalo eh kinwento pa nya na nawalan na siya ng dalawang BB at estudyante siya sa isang “MAGANDANG UNIVERSITY”, okay KUYA eh d ikaw na. BITTER pa rin ako. KALUNGKUTAN nga naman…

“MAGANDANG UNIVERSITY” —-ano nga ba yun? Saan ba yan kuya at talagang sinabi mo pa na maganda. Sana pala kinwento ko na rin ang pag-graduate ko sa isang unibersidad na ipinangalan nga pala sa bansang kinalalagyan mo ngayon. Kailangan ko pa bang sabihin kung saan yun?!

Hindi ko makakalimutan ang araw na tinawagan ako ng kaibigan ko at sinabing nakapasa ako sa entrance exam ng unibersidad na ‘to. Nakita ko pa nga ang nanay ko sa building na pinaglagyan ng listahan ng mga nakapasa.

Bigla akong natuwa kasi kahit papano, alam ko na naging proud siya sakin. Yung totoo, hindi ko naman yun masyado naisip. Parang yung mga tao pa sa paligid ko ang excited para sakin. Yung ate ko nga, nag-effort pa na isulat ang student number ko at nag iwan ng note sa table ko na wag ko daw kakalimutan yun. Imemorize ko na daw. <HAHAHAHA!>

Hindi ko naman agad minemorize yun. Kasi magtatagal pala ako sa college, dahil bukod sa 6 years ang pinili kong course eh talagang HINDI lang ako pinalad na maka-graduate on time. Sabi ko nga, everything happens for a reason. Gasgas na yan pero totoo. At talagang maganda pala ang rason kung bakit malapit na DAW ang end of the world eh naka-martsa na ako.

O siya, siya. Gusto ko lang naman isulat ngayon ang mga bagay na alam kong magtatanggal sa pagka-bitter ko dahil sa natalo ako NGAYON. Pero kuya, humanda ka na sakin sa susunod nating pagtutuos.

Hindi na 500-word entry ang gagawin ko. At kung kailangan eh ikwento ko na ang pagkaka-kulong ko sa enclosure area kasama ang dalawang malaking iguana sa PAWB eh gagawin ko. Pati ang unggoy na muntik ng kumalmot sa mukha ko, ilalahad ko na. Isama ko na rin kaya yung araw na nag buwis buhay ako sa pagturok sa isang kalabaw na may kasama pang halos sampung kalabaw sa kulungan. Puro negative, ganun?!

Positive naman. Sige, maganda ata ikwento na naging client ko si Buhawi Meneses ng PNE ng ipa-check up nya sa Veterinary Teaching Hospital- Diliman ang aso nyang si Tasha. Na sa pagiging fangirl ko, kulang na lang magpa-picture ako. Pwede rin naman yung araw na sumakay ako sa likod ng 10-wheeler truck para lang mailipat sa magandang lugar ang dalawang macaw na regalo daw ni blahblah kay kataas-taasang blahblah pero isinoli daw. Sana sakin na lang binigay kasi ang ganda talaga nila. :)

Tatapusin ko na nga ‘to sa mga linyang, nung highschool ako naiinis ako sa mga taga-UP kasi ang yabang nila. Basta mayabang sila. Ewan ko ba. Hindi ko namalayan na dadating pala ang panahon at magiging isa ako sa kanila.

Yabang. Yan ang hindi daw mawawala sa mga iskolar na kagaya ko. Nasa sistema daw yan ng bawat studyante na pumapasok at lumalabas sa unibersidad na ipinangalan sa bansang tinitirhan ko, sa bansang tinitirhan mo, natin. Pero bakit hindi ko man lang naipag-yabang na naka-graduate nga pala ako sa unibersidad na ‘to. Eh kasi hindi naman daw kailangan pang sabihin yun.

Sa sobrang bitter ko, kung ano-ano na nasabi ko. HAHAHAHA! :)

Palagi ko na lang tatandaan na, ako ay iskolar ng bayan nung estudyante pa ako. At ngayon, iskolar na para sa bayan.

Yan na ang gagamitin kong sandata para hindi na ako matatalo sa susunod. Sabagay, ang pagkatalo ko ngayon ay nagsilbing inspirasyon ko para sa mga susunod pang laban. Para saan pa na kumuha ako ng anim na taon na kurso kung dahil lang sa isa at unang pagkatalo eh aayaw na ako.

You graduated not from any university but from a university named after the nation. Use your talents to contribute to the country. -John Gabriel Pelias, UPD Class Valedictorian of 2011

At syempre PROUD naman ako. Sabi nga nila, proud ISKOLAR. :)

Happy 26th Limuel! :) 


I love you! :”>

This May, we decided to finally hit the pool because of the weather.

And yes, I admit, because of my busy schedule, thanks to our review, wala talaga sa plan ko ang mag beach or pool, or mag bakasyon.

It’s the Moot Ek2 gang again! :)

I love being with my cousins so much.

No sun-kissed for us because when we decided to have a swim, it begun to rain. Hoho. So we just sat and have some good talk over some drinks and chips. :)

Mehehehe. Dahil apat lang kami, nakiusap kami kay Manong caretaker na picturan kami. Medyo FAIL pero okay lang. :)

Nizzies reunited! :D


with lil sis PC Jin! :)))

Mejo blurred. HAHA. Buti na lang. What’s with the slide, eh?! :P

Me so fat pero okay lang. :))))


Happy summer everyone! :)))
Kahit malapit na mag June. :D 

One evening at his place. Yeah, we’re bored. :)

More than a week ago. It wasn’t a good feeling but my feet, still on the ground.

It was actually a learning experience. I might say, it’s  better good that IT happened. For again, friendship was tested. And REAL friends REMAIN. I guess I couldn’t ask for anything more. And my thank yous would not be enough. :)

So here it is, have fun! :)

I won’t feel bad if you find me like this.

I have nothing to worry about for I am a God-fearing girl.

I have no regrets.

I live my life to the fullest.

I smile even if I am dying inside.
I let everything pass.
For I believe that everything has a reason, has a purpose. It is for me to learn my lessons. And above all, to realize that there are just so many people who LOVE ME for who I am and for what I am. The real ME.

I don’t owe anyone an explanation. Cause honestly, I was born with freedom and up to the last breath, I am free as a bird. And who cares?! People will only believe WHAT THEY WANT TO BELIEVE. So, I won’t waste my time in explaining and defending myself.

  
dami mo pinagdaan pero head’s up ka pa din with humility and composure…”

Yan ang isang message sakin na nakapagpa-ngiti sakin ng sobra. Thank you Drea. :)
Sa lahat ng napagdaanan ko, madami ako natutunan. Kung hindi dahil sa lahat ng yun, hindi ako ganito ngayon. Siguro nga, iyakin pa rin ako pero kaya ko na. Kaya ko mag-isa lumaban.


“Keep your chin and the whole of your gorgeous face up. You didn’t do anything wrong. You’re just being yourself. You have the freedom to express yourself. Just continue being awesome and let those haters be. Be at peace with yourself… Mahal at tanggap ka nya. Yun ang importante.”

Kasi sobra na yung naramdaman ko kagabi, at super thank you sa nag message sa akin neto. Alam ko naman. :) Thank you Enid. :’)

“…Saka mukhang masaya naman siya sayo. Thank you din kasi nung nawala yung tatay namin at least may nasabihan siya kasi hindi talaga siya nagsasabi sa amin. Sorry din kasi talagang may nasabi din ako na hindi maganda sayo. Sana eh mas gumanda ang samahan natin lahat…”

Thank you ATE. :) Yun na lang muna. Mahaba masyado ang message nya pero sobrang naiyak ako. Thank you po.

Kahit ganito ako, maarte, at kung ano pa, pinalaki ako ng magulang ko na hindi tinatapakan ang ibang tao. :)
Hindi ako perfect. Kahit naman ikaw. Or kahit sino dito. Sana lang matuto kayong RUMESPETO.
Ganito man ako, pinalaki naman ako ng magulang ko na WALANG tinatapakan na tao. Yun ang lamang ko sayo.

@gobnai parang ganto yung nakita ko sa RL. :))

(via fashionlocker)

Ang chances daw, hanggang ikalawa lang. Bakit naman?!

Hindi ba pwedeng kahit 4th or 5th chance?!

Para sakin, ang chance ay binibigay sa mga taong deserving. Sa mga taong dapat pang mabigyan ng chance.

Para sayo…

Hindi naman masama na bumagsak ka sa subject na 2nd take mo na…

Basta hindi ka dismissed, tuloy lang ang buhay…

Hindi naman madali kasi syempre uulitin mo lahat. Ayan na naman po ang lecture, ayan na naman ang ilang beses ko ng narinig na topics..

Sayang din ang pera. Alam ko yan. Nakakahinayang. Nakakalungkot kasi baka hindi mo sila makasabay mag-graduate.

Alam ko yan kasi napagdaanan ko yan…

Kasi 4 na beses ko kinuha ang isang subject na hindi ko maintindihan kung bakit pagdating ng finals, ang pre-final grade ko na halos sobra pa sa passing grade eh bumabagsak. Nakakalungkot. Parang hindi ako nag effort kahit kulang na lang, pati sa pagtulog ko eh binabanggit ko ang mga hormones na pinag-aralan ko.

Siguro ganun talaga. Kasi may plano Siya…

Kung naka-graduate na ako ng year 2009, sa tingin mo, makikilala ko kayo? Makikilala kita?! Makakasama mo ako? Mauutusan kita?! HAHA. Joke! ;)

Look on the brighter side. At higit sa lahat, kaya nangyari ang isang bagay ay dahil may nakalaan sayo na MAS maganda, mas higit pa sa gusto mo at ang importante, MAS magiging masaya ka. :)

&#8220;I&#8217;m sexy and I know it.&#8221; ;)
Cold SUMMER night. :D

“I’m sexy and I know it.” ;)

Cold SUMMER night. :D